19

By

Ayuda sa jeepney drivers, ilalarga na

Sharing is caring!

Para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sisimulan na ng gobyerno ang Pantawid Pasada Program.

Ito’y matapos pirmahan nina Energy Sec. Alfonso Cusi, Transportation Sec. Art Tugade at Budget Sec. Benjamin Diokno gayundin nina Finance Asec. Antonio Lambino II, LTFRB Chairman Martin Delgra at Land Bank President Alex Buenaventura ang memorandum circular para sa tulong sa mga PUJ operators at drivers.

Layon ng programa na mabigyang tulong ang 179,852 public utility jeeps sa buong bansa sa loob ng dalawang taon alinsunod sa nakasaad sa TRAIN Law.

Ang kuwalipikadong operators ay bibigyan ng fuel vouchers na may halagang P5,000 mula ngayong buwan hanggang sa Disyembre.

Sinabi ni Cusi na mandato nila na makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng langis para matiyak na tinatanggap ang mga discount vouchers sa mga gasolinahan.

Binabalak na sa susunod na Miyerkules, Hulyo 18, sisimulan ang pamamahagi ng fuel vouchers. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?