13

Aug 2, 2021 @ 12:07
By

Ayuda sa ECQ isinasapinal na – Palasyo

Isinasapinal na ang mga mekanismo para sa ayudang ibibigay sa mga maapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagkaroon ng mahabang debate sa pagpapataw ng ECQ mula August 6-20, 2021 at isa sa mga pinag-usapan ay kailangan bago mag-lockdown ay mayroon ng ayuda at hind na dapat maghintay ang mga taga-Metro Manila.

“Yan po ang inaasahan natin sa linggong ito, maisapinal yung ayuda at yung mekanismo para makarating sa taongbayan,” ani Roque.

Naunang inihayag ng kalihim na tig-isang libong piso ang matatanggap na ayuda ng mga nasa ECQ at maximum hanggat apat kada isang pamilya.

Sinabi ni Roque na sisikaping maayos sa loob ng linggong ito ang paghahanda para sa ayuda para agad na maibigay sa mga dapat tumanggap nito sa Metro Manila.

“Meron po siguradong ayuda yan, hayaan po natin na itong linggong ito eh maayos natin,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?