20

Apr 15, 2021 @ 15:56
By

Ayuda pinambili ng shabu arestado

Inaresto ang isang lalaki sa Quezon City matapos diumanong ipambili ng droga ang nakuha niyang ayudang pera.

Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si Joven Llera, 40-anyos, residente ng Matandang Balara.

Ayon sa ulat, unang nadakip si Llera dahil sa paglabag sa curfew hours sa Laura St., bandang alas-3 ng madaling-araw ngunit muling nahuli nang balikan ang shabu na itinago niya sa damuhan.

Tinanong umano ng barangay personnel na si Elesio Barena kung saan galing ang perang ipinambili ng suspek ng droga at inamin nitong galing sa ayuda.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang laban sa kanya sa isang GMA interview.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?