47

Apr 6, 2020 @ 18:12
By

Ayuda nina Jodi at Risa Hontiveros para sa mga lolo at lola pinapamigay na

Excited at ibang saya ngayon ang nararamdaman ni TV actress Jodi Sta. Maria nang isa-isa na ngayong ipinapamahagi ang tulong na immunopacks para sa mga lolo at lola na programa ni Akbayan Rep. Risa Hontiveros na kanya ring sinusuportahan.

Kaagapay kasi ni Risa ang 37-anyos na premyadong aktres na si Jodi sa panghihikayat sa programang tinayo ng lady solon para sa mga nakakatanda o mga senior citizen.

Nagsimula ang pagkokolekta ng mga donasyon nitong Marso 22 at ngayong Abril 6 ay pormal nang natapos ang ayuda at ready to deliver na ang nasabing ipapamigay na immunopacks.


Kasabay nito ay inabot din ng aktres ang lubos niyang pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta sa kanilang programa.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga tumulong,” tweet ni Jodi. (@JodiStaMaria).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?