24

Jul 20, 2021 @ 16:02
By

Ayuda mas kailangan sa patuloy na oil price hike – Gabriela

Mas kailangan umano ngayon ng ayuda ng publiko dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na makakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, lalong lulubog ang mga mahihirap na lubhang apektado ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“This oil price hikes and impending increase in prices of goods and services will bury women and their families further in debt. Hindi pa nga sila nakakalampas sa bayarin sa eskwela at utilities, madadagdagan pa sa nagbabadyang pagtaas ng presyo ng serbisyo at bilihin,” sabi ni Brosas.

Si Brosas at ang mga kasama nito sa Makabayan ay nagsusulong ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.

“In the midst of this crisis aggravated by the pandemic, it is high time that President Duterte set his priorities straight. Tama na ang maagang pangangampanya — ang kailangan ng mamamayan ay ayuda,” dagdag pa ng lady solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?