11

Jul 21, 2021 @ 18:09
By

Ayuda garantisado sa mga nasa ECQ – Palasyo

Tiniyak ng Malacañang nitong Miyerkoles na darating sa tamang panahon ang ayuda para sa mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng bansa.

Dahil sa pagtaas ng COVID cases ay isinailalim ang probinsya ng Iloilo, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City sa ECQ hanggang katapusan ng Hulyo.

Matatandaang ang ECQ ang pinaka-striktong quarantine kung saan essential services lamang ang bukas at mahigpit din maging ang curfew.

Kaya naman siniguro ni Presidential Spokesperson Harry Roque na darating ang tulong para sa mga tao sa mga nabanggit na lugar.

“Hindi po kayo nakakalimutan ng Presidente,” pahayag ni Roque. “Magbibigay po sa takdang panahon ng ayuda.”

Dagdag pa ni Roque, hindi papayagan ng pangulo ang pagpapatupad ng istriktong lockdown sa isang lugar kung walang maibibigay na ayuda sa mga naapektuhang trabaho at industriya.

At kung magkano rin daw ang natanggap ng mga taga-NCR Plus nang isailalim ito sa ECQ noong Abril ay ganoon din ang matatanggap ang mga taga roon sa mga nabanggit na lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?