28

Feb 10, 2020 @ 15:58
By

Ayton bagong halimaw ng Phoenix sa board

Halimaw si Deandre Ayton sa ilalim ng boards.

Pinakamabilis ang Phoenix Suns big man na naglista ng 1,000 rebounds sa prangkisa ng team.

Kinalawit ni Ayton ang 1,000th career rebound sa third quarter, nangailangan lang ng 94 career games para makuha ang milestone.

Sapul noong 1992, sina Shaquille O’Neal, Blake Griffin at Tim Duncan lang ang nakaipon ng 1,000 rebounds nang mas mabilis.

“It shows where my hard work is going,” ani Ayton. “I want a ‘W’, that’s the best milestone you can possible get, but it’s good to know that.”

Hindi nga lang niya nakuha ang ‘W’ dahil nabigo ang Suns sa Denver 117-108 nitong Sabado.

Tumapos si Ayton ng 28 points at 19 rebounds kontra Nuggets.

Rumurolyo rin ang laro ni Ayton, nag-average ng 22.2 points at 13.6 boards sa huling limang salang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?