3,496

Dec 9, 2021 @ 19:19
By

‘Ayoko magsinungaling’: AJ Raval umaming nagpadagdag ng dibdib

Isa sa tinaguriang pinakabagong sexy star ngayon si AJ Raval.

Hindi na nito itinago pa at inaming nagpadagdag siya ng dibdib noong nakaraang taon.

Ipinagtapat ito ni AJ sa press conference para sa “Crush Kong Curly” nitong Huwebes.

“I’m planning po, kasi last year, nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natural na po sa akin yun,” pag-amin ng aktres.

Ayon pa kay AJ, hindi raw ito nag-iisip noong mga oras na ‘yon at naging excited ito magpadagdag ng boobs.

“Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado,” saad nito.

Dagdag niya, naging masaya naman daw siya ngunit plano na nitong ipatanggal ang kaniyang implant sa susunod na taon.

“Pero planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko. Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious,” dagdag ni AJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?