77

Jan 14, 2022 @ 11:17
By

‘Ayoko eh!’ Heart nakulitan sa nagtatanong bakit wala siyang anak

Nakulitan na si Heart Evangelista sa mga netizen na panay pumupuna kung bakit hindi siya magka-anak.

Kaya naman sa kaniyang TikTok account, sinagot ng aktres ang isang nagcomment tungkol sa kaniyang pag-aanak.

“Ba’t ‘di kayo magka-anak?” comment ng netizen.

Sagot naman ni Heart: “Ayoko eh. Didn’t anyone teach you manners? I mean, you know what, if I am not sad about it then why are you even?”

Dinagdagan pa ito ni Heart ng caption na: “Not your uterus,” at “Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own lives?”

@lme85 Reply to @judy_arbondad ♬ original sound – Heart Evangelista


Samantala, dati na ring naba-bash si Heart dahil umano hindi nito mabigyan ng anak ang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Ngunit matatandaan, noong 2018 ay ibinalita ng mag-asawa na nawala ang kanilang anak matapos makunan ni Heart. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?