12

Sep 30, 2020 @ 22:55

Ayo walang sala – Gov.Escudero

Walang nilabag na health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease si former University of Santo Tomas Growling Tigers men’s basketball coach Aldin Ayo, ayon sa imbestigasyon ng Sorsogon Province at Sorsogon City Philippine National Police (PNP).

Sa inilabas na ulat ng The Varsitarian, ang student publication ng UST, wala anilang training na naganap sa tahanan ni Ayo at lahat rin ng indibidwal ay may secured travel documents na hindi Persons Under Monitoring, walang sintomas ng Covid-19, sumailalim sa test pitong araw bago ang pagpunta sa lugar at may travel authority mula sa Joint Task Force Covid-19 Shield.

Lahat ay mga sumailalim din sa 14-day mandatory home quarantine bago nagsadya sa “personal development farm training” na sertipikado ng Capuy, Sorsogon barangay captain.

“The actions performed by former UST coach Aldin V. Ayo [were] in accordance with the health protocols and guidelines [of] IATF.” mula sa incident report.

Naglabas din ng certification ang Varsitarian mula kay Sorsogon Province Governor Francis ‘Chiz’ Escudero bilang patunay na hindi nagsagawa ng prohibited basketball activities si Ayo at ang Growling Tigers sa lalawigan.

“This is to certify that based on the Sorsogon City Police Station Memorandum dated September 23, 2020 (Annex A) the Office of the Governor is in consonance with said Memorandum’s findings considering that there is a clear exhibition of legitimate activities undertaken by former UST coach Aldin V. Ayo; that the actions performed by former Coach Aldin Ayo is in accordance with the health protocol and guidelines as per existing Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease and that there was no UST sanctioned team basketball training conducted in the domicile of Mr. Aldin V. Ayo or was there any prohibited basketball activities conducted by his guests outside of his residence within the jurisdiction of the province of Sorsogon, and that Mr. Aldin V. Ayo is not liable for violation of any health protocol pursuant EID-IATF guidelines and local executive orders in the Province of Sorsogon,” ayon sa certificationna pirmado ng gobernador.

Batay rin sa PNP incident report, naglabas rdn ang Sorsogon City Government ng certificate of acceptance para sa mga player na may petsang Hunyo 26 at Hulyo 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?