122

By

Ayo sasagarin ang katawan, utak para sa Muntinlupa

Sharing is caring!

Sabak sa kanyang ikalawang ‘tahanan’ si Aldin Ayo na tinanggap ang head coaching position para sa Muntinlupa Cagers sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

“Before I committed to Muntinlupa, I asked permission from managers especially kay Fr. Jannel [Abogado], alam naman nila na kaya ng schedule ko,” ani Ayo matapos matalo ang Growling Tigers laban sa Adamson, 71-77.

Batak na umano ang coach pagdating sa kapaguran ng tuloy-tuloy na trabaho ngayong kailangang balansehin ang kanyang oras para sa UST at Muntinlupa.

“I’m used to this naman e, nasa Sorsogon ako nagta-trabaho ako twelve to fourteen hours, ngayon mga ten hours lang e. Okay lang din basta basketball,” dagdag niya pa.

Wala pang talo ang Muntinlupa sa ginaganap na 2018 MPBL Datu Cup. Kabilang ang prangkisa sa Southern Division ng liga.

Magkakaroon ng reunion si Ayo sa kanyang mga dating manlalaro sa Letran na sina Felix Apreku at Kevin Buenaflor.

Hindi rin magtatagal ay makakaharap niya ang kanyang assistant ngayon sa UST na si Randy Alcantara, na coach naman sa San Juan Knights.

“Actually pinaguusapan din namin pero very professional naman,” ani Ayo. “If it happens, for sure, we’re gonna bring out the best sa bawat isa sa amin.”

Unang makikita si Ayo kasama ang Muntilupa Cagers kapag kinalaban nila ang Basilan Steel sa Huwebes, Setyembre 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?