47

Jan 3, 2018 @ 17:00
By

Ayo pormal nang nagpaalam sa Green Archers

Pinormalisa ni Aldin Ayo ang pamamaalam sa binitbit niya sa isang titulo at isang segunda puwesto na La Salle Green Archers sa UAAP men’s basketball.

Nakipag-usap pa sa pamunuan ng De La Salle University si Ayo tapos unang mag-goodbye kay Green Archers patriarch Eduardo Cojuangco, Jr. bago lumipas ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Itinalaga na kapalit ni Ayo ang matagal na niyang assistant coach na si Louie Gonzalez noong Biyernes sa isang pulong sa opisina ni Cojuangco sa Mandaluyong.

Sinabi ni Ayo na ang kanyang dahilan sa sorpresang paglayas sa La Salle at pagtungo sa University of Santo Tomas.

“We have different views in handling the team. I’ve always done what is necessary,” wika ng kinainisan ng mga sportswriter na si Ayo sa kanyang tweet sa @AyoAV_Martes patungkol sa problema sa pagmando sa Taft-based cagers. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?