289

Dec 27, 2017 @ 17:53

Ayo nilayasan ang La Salle para sa UST

Goodbye La Salle, hello UST.

Ito ay matapos na ibalita ng Varsitarian, ang student publication ng University of Santo Tomas, na si Coach Aldin Ayo na ang titimon sa Growling Tigers sa susunod na season matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa De La Salle University sa darating na Disyembre 31.

“UST backers in talks with La Salle coach Aldin Ayo to transfer to UST Growling Tigers. Ayo’s contract with the Green Archers ends on Dec 31,” sabi sa Twitter account ng The Varsitarian.

Nangyari ang hakbang ilang linggo matapos mabigo ang Green Archers na maidepensa ang kanilang korona laban sa Ateneo Blue Eagles.

Sabi sa report Spin.ph report, nagbago diumano ng desisyon si Ayo ilang araw matapos niyang ihayag na mananatili pa rin siya sa koponan ng La Salle sa susunod na season.

Sa pagkawala ni Ayo sa La Salle, sinasabing hahalili sa kanya si Richard del Rosario habang magsisilbing consultant naman si Barangay Ginebra head coach Tim Cone.

Giniyahan ni Ayo ang Archers sa dalawang sunod ng UAAP Finals appearance, kung saan nakuha nito ang championship noong 2016 sa unang taon niya bilang coach ng La Salle.

Bago hawakan ang La Salle, pinag-champion din ni Ayo ang Letran Knights sa NCAA championship laban sa San Beda Red Lions noong 2015.

Nagbitiw na si Boy Sablan bilang UST head coach noong Nobyembre matapos ang pangit ng kampanya sa huling dalawang season ng UAAP basketball team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?