13

Oct 1, 2020 @ 10:10

Ayo lusot, ‘bubble’ tutok sa pagtatanim – Chiz, PNP

SDC

Pangunahing nakatutok ang “Sorsogon bubble” ng UST Growling Tigers sa “agricultural activities” at hindi basketball training.

Kapag hindi sila nasa bukid, doon lang sila pwedeng magsagawa ng individual training at hindi team practice gaya ng sinasabi ni CJ Cansino.

Ilan ito sa mga resulta ng imbestigasyon ng Sorsogon City PNP.

“Actions by former head coach Aldin Ayo are in accordance with the health protocol and guidelines as per existing Interagency Task Force the Management of Infectious Diseases, and that there was no UST-sanctioned team basketball training conducted in the domicile of Ayo,” ayon pa sa pulisya.

Sabi ng mga imbestigador, wala silang nakitang senyales ng training activities sa labas ng bahay ni Ayo sa Capuy, Sorsogon, at sa loob ng hurisdiksyon ng lalawigan.

Sinang-ayunan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang mga resulta ng pagsisiyasat ng awtoridad, at sinabing “Mr. Aldin V. Ayo is not liable for violation of any health protocol pursuant EID-IATF guidelines and local executive orders in the Province of Sorsogon.”

Nauna nang sinaad ng UAAP board ang finding ng UST na “pinahamak ni Ayo ang kalusugan at well-being ng mga hawak niyang student-athlete nang magsagawa ito ng pagsasanay habang may government-declared state of emergency dahil sa coronavirus pandemic.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?