70

By

Ayo halos maluha sa unang panalo ng UST

Sharing is caring!

Naging emosyonal si University of Santo Tomas Growling Tigers head coach Aldin Ayo, matapos manalo laban sa Far Eastern University Tamaraws, 76-74, sa UAAP Season 81 nitong Miyerkoles, Setyembre 12.

Ito pa lamang ang ikalawang laro ng UST ngunit nakasungkit na agad sila ng panalo, malayo noong nakaraang season na nakuha ng Growling Tigers ang panalo sa kanilang huling laro.

“Naramdaman ko si Coach Boy [Sablan], naramdaman ko yung community,” ani Ayo. “They deserve this kasi grabe ‘yung suporta.”

“Last year, even though I was in a different team, I had to do my job pero naramdaman ko ‘yung community ng UST,” dagdag ni Ayo.

Lumipat si Ayo mula sa De La Salle University matapos matalo laban sa Ateneo Blue Eagles sa finals.

“A lot of my friends are here, that’s why I transfered here. I just want to help the university,” pagtatapos ni Ayo.

Limang taong magsisilbing head coach ng Growling Tigers, base sa pinirmahan niyang kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?