7,842

Mar 31, 2020 @ 20:52
By

Ayaw tumulong sa lockdown? Baho ng mayayamang kapitbahay nilabas ni Francis Leo Marcos

Bumuhos ang suporta para sa isang mayamang good samaritan na sinasabotahe umano ng mga mayayamang kapitbahay ang kanyang ginagawang pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa mga vlog ni Francis Leo Marcos, sinabi nitong nawala ang kanyang Facebook matapos niyang hamunin ang mga kapwa mayayaman na kapitbahay na tumulong din sa mga Pilipino na apektado ng COVID pandemic.

Kuwento ni Marcos, nag-vlog siya noong March 30 kung saan kinalampag niya ang kanyang mga kapitbahay at pagkagising niya ngayong March 31 ay inulan siya ng reklamo ng mga ito.

Hinaharang umano ng mga kapitbahay niya ang pamamahagi niya ng sako-sakong bigas.

Trending ang kanyang pangalan sa Twitter Philippines kung saan suportado siya ng mga netizen.

@valledojulianne: “I stan Francis Leo Marcos. Good job Sir!!!”

@saybhing: “A man with a good heart and good intention.. shout out to Francis Leo Marcos.. a rich man challenging his fellow rich man in green meadows subdivision..”

@BemSanjose: “Pls support this Man! He is a Man in words and Heart. Francis Leo Marcos I SALUTE YOU SIR YOU HAVE A HEART FOR POOR PEOPLE! THANK YOU.”

@ayessaainee23: “Lodi ko itong live/vlog ni Francis Leo Marcos sapul sa mukha yung mayayaman niya kapitbahay. Hahaha.”

@itstinzharina: “Wow may taga greenmeadow, isang exclusive subdivision (francis leo marcos) na nilalabas yung baho ng mga kapitbahay niyang mga bilyonaro na ayaw manlang tumulong this lockdown.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?