361

By

Ayaw sa sinaing, Jo Koy may pinalayas!

Sinigawan at pinalayas pa ng komedyanteng si Jo Koy ang kasama sa bahay dahil lang sa kanin.

Ngunit huwag mag-alala dahil skit lamang ito sa kanyang bagong Twitter post.

May title na ‘Bahay Ko Ito’, nakatutuwa ang muling pagtuturo ng Fil-Am na si Jo Koy kung papaano magsaing ng perfect rice kung saan itatapat ang tubig sa guhit ng daliri.

Paulit-ulit na sinabi ng komedyante ang ‘lumayas ka’ kahit pa hindi niya pala bahay ang tinutuluyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?