62

May 28, 2020 @ 15:31
By

Ayaw sa koponan ni Pingris? Vico, iba ang paboritong PBA team

Gaya ng maraming Pilipino, basketball din ang isa sa paboritong libangan ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa isang episode ng “Quarantined with Howie Severino”, binunyag ni Sotto kung anong team sa PBA ang paborito niya.

Pero hindi ito ang koponan ng kanyang bayaw na si Marc Pingris na Magnolia Hotshots.

Pagdating naman sa NBA ay wala raw siyang paboritong team.

“Well, Barangay Ginebra sa PBA. Ka-Barangay tayo,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?