57

Feb 7, 2020 @ 14:00
By

Ayaw sa bakaw! Giannis dinedma si Harden sa All-Star pick

Hindi pumasok sa isip ni reigning NBA MVP Giannis Antetokounmpo ang piliin si Houston Rockets star James Harden para sa kanyang koponan sa 2020 NBA All-Star game.

Nasa fourth pick na si Giannis, tatlong pangalan na lang ang nasa board, ito ay sina Kemba Walker, Trae Young at Harden.

Nang pipili na si ‘Greek Freak’, sinabi nito na sa pagitan lang nina Kemba at Young lalapag ang kanyang desisyon, etsapwera ang 2018 NBA MVP.

Dahil dito’y tinanong ni Charles Barkley kung bakit ayaw ni Giannis kay ‘The Dribbler’, na si Harden ang tinutukoy.

Simple lang ang naging tugon ni Giannis, gusto niya sa player na namamasa ng bola.

“I want somebody that’s gonna pass the ball,” giit ni Antetokounmpo.

Napahalakhak naman si James at ang panel sa sinabi ni Giannis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?