53

Jun 7, 2021 @ 16:09
By

Ayaw sa Ari! Mga netizen ‘nabahuan’ sa Pinay Marvel hero

Hindi natuwa ang ilang Pinoy netizen sa pangalan ng bagong bayani ng Marvel na isang Filipino-American.

Ito’y dahil sa pangalan nito na Ari Agbayani, na tingin ng mga Pinoy ay hindi bagay ang pangalang ‘Ari’ dahil parehas ito ng salitang Tagalog sa maselang bahagi ng katawan.

Sa tweet ni Liam McGuire, lead comic writer ng ScreenRant, maraming netizen ang nagreklamo na sana’y ibahin na lang ang pangalan ni Ari.

“Dude, y’all literally named her after… you know… genitals…” ayon kay @TarsierLittle.

“Aside from her name that seems to say “Genitals are heroes”, hard to see anything that makes her Filipino in the Fil-Am combo,” sey ni Dr. Gene Nisperos ng UP College of Medicine.

“Come on, at least do your research and not search random words you see sobrang nakakahiya,” giit naman ni @zeeelovescoffee.

Paliwanag naman ni Alyssa Wong, writer ng Marvel, ang buong pangalan ng bagong bayani ay Arielle Agbayani.

“I’d also like to clarify something about her full name, which is Arielle Agbayani. She’s named after a few Fil Am friends, with help from my Fil Am fam,” klinaro ni WOng.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?