59

Jul 22, 2021 @ 10:23
By

Ayaw palang mabangko! Slaughter pumalag kay Jarencio

Kinontra ni Greg Slaughter ang naging pahayag ni NorthPort head coach Pido Jarencio na mismong ang big man daw ang ayaw maglaro sa dalawang laban ng kanilang koponan.

Sa Facebook, nag-comment si Slaughter sa isang headline kung saan sinabi ni Jarencio na ang manlalaro daw ang nag-request na huwag sumalang sa kanilang laro dahil hindi pa raw ito ‘fit to play’.

“Not true,” maikli ngunit malaman na tugon ni Slaughter.

Sa panalo ng NorthPort kontra Phoenix, 115-79, sinabi ni Jarencio na hindi na niya pinag-jersey si Slaughter matapos nitong magpaalam sa kanya.

“In our first game, si Greg, siya nagsabi na ayaw niya maglaro. But he wanted to suit up just to cheer the players. Siya talaga nagsabi na ayaw niya munang maglaro,” sambit ni Jarencio.

“Si Greg ang nag-request sa amin na ‘wag muna siyang maglaro kasi tuloy, parang mga tao, akala ‘di namin ginamit siya,” aniya pa.

Ito’y sa kabila ng mga rumor na posibleng mai-trade si ‘Gregzilla’, lumulutang na posibleng kasama sa palitan ng tao ay si Jio Jalalon mula Magnolia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?