7

May 4, 2021 @ 14:18

Ayaw paawat kahit nakasaklay! Jamal Murray nag-ensayo pa

Hindi makuntento sa bench si Jamal Murray at gusto pa ring makatulong sa kanyang mga teammate kahit may ACL injury.

Sa laban ng Denver Nuggets kontra Los Angeles Lakers, makikita si Murray na nakikipag-ensayo pa mga kakampi.

Ito’y kahit pa nakasaklay si Murray dahil sa tama sa tuhod.


Matatandaan na noong April 14 ay napuruhan si Murray sa kanilang laban kontra Golden State Warriors.

Nanatili naman sa tuktok ang Denver tangan ang 43-21 win-loss record, pangatlo sa Western Conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?