25

Oct 6, 2017 @ 14:01

Ayaw malubog ni Castro

Game 3 ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. –  TNT vs. Ginebra

Hindi pumayag si Jayson Castro na mahulog sa malalim na hukay ang TNT laban sa Ginebra.

Namuno si Castro sa balanseng atake na nagbigay sa KaTropa ng 103-96 na panalo laban sa Kings Miyerkules ng gabi na nagtabla sa 1-1 sa kanilang PBA Governors Cup semifinals series sa Batangas City Coliseum.

Nakaupo si Glen Rice Jr. dahil sa foul trouble, pinangunahan ni Castro ang KaTropa sa pamamagitan ng kanyang scoring at playmaking, malaking dahilan para makabawi sila sa 121-94 defeat sa best-of-five opener noong Lunes.

“This game kasi parang do-or-die na sa amin kasi once na matalo pa kami mahirap ng makabawi,” sabi ng two-time Asia’s Best Point Guard na si Castro pagkatapos ng laro.

Kahit nag-umpisang pulikatin papasok ng fourth quarter, tumapos pa rin ng 20 points at 10 assists si Castro.

Labingtatlo sa kanyang puntos ay ikinalat ni Castro sa third, malaking dahilan para masalag ng TNT ang malaking balik ng Ginebra at pumunta sa huling 12 minutes na angat 76-69.

Napilitang ibangko ni coach Nash Racela ng 15 playing minutes umpisa sa second quarter pagkatapos mag-commit ng kanyang fourth foul si Rice, pero bumalik sa fourth at sinindihan ang krusyal na bugso ng KaTropa sa pamamagitan ng 12 sa kanyang 21 points.

Tuluyang umupo na si Rice nang mapituhan ng fifth foul 4:58 pa, pero hindi naging problema sa TNT.

Isang jumper ni Roger Pogoy ang nagbigay sa kanya ng 14 points at ligtas na 101-88 lead sa KaTropa, isang minuto na lang ang natitira. (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?