489

Aug 18, 2020 @ 13:20
By

Ayaw makipagtulungan! Mga kapwa-artista awat na sa pagtulong kay John Regala

Sumuko na ang ilang personalidad sa pagtulong sa healthcare ni John Regala, dahil hindi umano nila tutularan ang “constant and abusive self-medication” ng dating aktor.

Sa isang joint statement sa Facebook, sinabi nina Chuckie Dreyfus, Aster Amoyo, at Nadia Montenegro na si John ay isang “very uncooperative and difficult individual.”

“And so, it is with deep sadness that our group has come to the decision to formally end our involvement in helping John with his medical treatment, care, and recovery,” saad sa pahayag.

“As much as it is our desire to see this through, these unfortunate circumstances and regretful turn of events have made it impossible for us to continue,” dagdag nila.

Nilahad ng grupo na isasara na agad nila ang crowdfunding page para sa medikasyon ni Regala. Ang mga nalikom ay ibibigay anila sa mag-aalaga kay John at para sa mga future medical needs nito.

Magbibigay rin anila sila ng kumpletong talaan ng lahat ng mga donasyon at gastos sa panahon ng pagtulong nila sa kaibigan.

“John’s health problems are still far from over, and we can only hope and pray that he eventually listens to the advice of doctors and people who love and care for him,” sabi nina Nadia, Aster, at Chuckie.

“May he also spend the remainder of his funds wisely,” wika pa nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?