75

By

Ayaw makipagbalikan: Misis tinumba ng mister

Pinagbabaril at napatay ng kaniyang dating kinakasamang lalaki ang 41-anyos na babae makaraang tumanggi itong makipagbalikan at ipagpalit sa ibang lalaki sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PLt. Roldan T. Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Edna Camino Asis, 41-anyos, housewife at residente ng Duhat St., Brgy. Payatas QC.

Tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Ben Ogsemer Matiga, construction worker, at naninirahan sa Salvador St., San Isidro, Montalban Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Juvy Fallegon ng CIDU-QCPD, ang krimen ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi (June 23), sa Duhat St., ng nasabing barangay.

Katatapos lamang umanong makipag-inuman ng biktima sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki na nakilalang si Dennis Martija.

Lumabas umano ng bahay ang biktima subalit mabilis din itong pumasok at sinabihan ang bago niyang ka-live in na nasa labas ang dati niyang mister kasama ang kanilang anak na lalaki.

Nagpasyang kausapin nina Martija at Camino si Asis subalit papalabas pa lamang ang dalawa sa bahay ay pinaputukan na sila ng improvised firearm ng suspek at mapalad namang hindi tinamaan ang bagong kinakasama ng biktima.

Nang duguang bumulagta ang babae ay agad na tumakas ang suspek habang isinugod naman ni Martija sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit binawian din ito ng buhay dakong alas-8:45 ng gabi sanhi ng tinamong maraming tama ng bala ng baril sa kanan at kaliwang kamay, ayon kay Dr. Rosauro Miguel Gran.

Nabatid na ang biktima at suspek ay dating mag-live in partner at may tatlong anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?