202

Sep 27, 2021 @ 18:39
By

Ayaw makabangga si Duterte! Tulfo ‘di tatakbong VP

Nilinaw ni radio host Raffy Tulfo ngayong Martes na wala siyang planong tumakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections dahil mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi po ako tatakbo[ng] sa pagka-bise presidente. Again, hindi po ako sa pagka-bise presidente sa darating na halalan,” saad sa pahayag ni Tulfo.

Gayunman, inamin ni Tulfo na may mga humikayat sa kanya para maging ka-tandem sa eleksyon ngunit tinanggihan niya.

“I said NO. Why? Dahil mataas po ang respeto ko kay PRRD – kay Pangulong Duterte – at wala po akong intensyon na babanggain ko siya sa darating na halalan,” saad pa sa statement ng radio host.

Si Duterte ay nagpahayag ng pagkandidato bilang pangalawang pangulo sa 2022.

Binalikan din ni Tulfo ang 2016 elections kung saan isa siya sa mga bumoto at kumampanya para sa pangulo.

“In fact, ito pong mikroponong ito dito po sa Wanted sa Radyo, kinampanya ko po si Pangulong Duterte. I did. At marami pong nakaalam yan,” dugtong pa ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?