120

Mar 7, 2020 @ 19:09
By

Ayaw maglakad, maputikan mga sapatos! Abogado nainis sa bumagsak na PNP helicopter

Nais ng abogadong si Atty. Wilfredo Garrido na masiyasat kung bakit bumagsak ang bagong helicopter ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang Facebook post noong Marso 5, sinabi niyang dapat managot ang sinumang may sala sa insidente na nangyari kay Chief Archie Gamboa at iba pang kasama nitong heneral.

Ayon pa kay Garrido, ito’y dahil sa “matatabang opisyal” na ayaw maglakad o maputikan ang mga sapatos o gumamit ng “wang-wang”.

Bilang taxpayer aniya ay matatanggap pa niya kung bumagsak ito sa labanan pero nag-crash ito sa maayos na panahon at pagkakataon.

Kung hindi raw ito pagkakamali ng piloto maaaring dapat sisihin ang mga pasahero ng chopper dahil sa pagpupumilit na lumapag sa mataong lugar imbes na sa mas ligtas pero maputik at madamong lugar kung saan madudumihan ang mga sapatos ng mga ito, na hindi aniya katanggap-tanggap.

“We taxpayers will understand if it went down in a combat operation. But it went down under the most peaceful circumstance, in the best weather, in broad daylight. If it was not the pilot’s error, perhaps we can blame the passengers. For insisting that they land in the crowded area instead of being offloaded in some safe but muddy grassfield where their shoes will get soiled. Either way, this is unacceptable,” giit niya.

Dagdag pa niya, hindi raw maliit na pera ang pinambili sa nasunog pang chopper dahil P435 milyon ang halaga nito na galing sa pawis ng mga taxpayer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?