100

May 25, 2020 @ 9:10
By

‘Ayaw labanan ang China, ‘Pinas nganga’

‘Di kabilang ang Pilipinas sa tatlong lugar sa daigdig na pinuri ni rock musician Dong Abay.

Kinilala niya ang mga residente ng Hong Kong, Taiwan, at Vietnam na aniya’y pawang “lumalaban sa China.”

“Pilipinas, nganga,” wakas ni Abay sa kanyang tweet kagabi.

Sang-ayon naman kay Dong ang maraming netizen.

“sa Pilipinas kase mismong leader ang ayaw lumaban,” saad ng isang Twitter user.

“Tara na Dong Abay dapat siguro gumawa na tayo nang (sic) grupong lalaban sa Tsina,” biro naman ng isang Reddit user.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?