238

Jun 25, 2020 @ 20:23
By

Ayaw kay Ninoy: NAIA ipapangalan kay Piolo Pascual?

Para maiwasan umano mahaluan ng politika, minungkahi ni Davao City Representative Paolo Duterte na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ACT-CIS Rep. Eric Yap, hinain ng tatlo ang House Bill No. 7031 para gawing ‘Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas’ ang pinakamalaking paliparan sa bansa.

Kaya ito ang naisip ng mga kongresista ay nais umano nila na gamitin ang national language na Filipino para sa bago nitong pangalan.

Ngunit may mga netizen na nakapansin na may ibang kahulugan kapag pinaikli na ito.

Saad ng ilan, magiging ‘PaPaPi’ na umano ang tawag sa NAIA, na kilalang palayaw ng aktor na si Piolo Pascual.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?