98

Apr 8, 2021 @ 16:15
By

Ayaw bumiyahe dahil mababa kita, paglabag sa prangkisa – LTFRB

Posible nang makabiyahe sa Metro Manila sa susunod na linggo ang nasa 4,000 bus at jeepney, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa bilang, 1,800 jeepney ang papayagan sa 60 ruta habang 2,600 provincial bus sa 190 ruta sakaling makatanggap na ng go signal mula sa mga local government unit.

Saad ni LTFRB Metro Manila Regional Director Zona Tamayo, mahigpit nilang sinabi sa mga operator ang pag-obserba sa mga health protocol para sa pagbabalik operasyon.

Samantala nagbabala naman si Tamayo sa mga pampublikong sasakyan na tumatanggi na mag-operate sa kabila na binigyan na ng pahintulot dahil sa inaasahang mababang kita, na aniya’y paglabag iyon sa mga tuntunin at kondisyon ng kanilang prangkisa.

“Hindi ho pupuwedeng sila lang ho ang magde-declare kung kailan sila bibiyahe o hindi. Lalabas po na may abandonment po ng kanilang ruta at iyon po ay violation po ng kanilang prangkisa,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?