53

By

Ayaw ako paglaruin ni coach Baldwin – Akhuetie

Sharing is caring!

Iba ang tono para kay UP Fighting Maroons player Bright Akhuetie nang siya’y harangin sa paglalaro dahil sa kanyang knee brace sa naging Game 2 ng UAAP Finals season 81 kontra sa Ateneo.

Saad ni Akhuetie, kanyang pakiramdam ay binakuran siya ng Ateneo Blue Eagles coach na si Tab Baldwin para makasalang sa laban.

Matatandaan na halos sampung minuto na-delay ang pagsisimula ng laro dahil inirereklamo ng Ateneo coaching staff ang suot na knee brace ni Akhuetie, na ayon umano sa Fiba rules ay bawal sa playing court.

“I just felt that coach Tab didn’t want me to play. So I removed it to say, ‘Yeah, whatever it is, I’m still going grind through it,” pahayag ni Akhuetie.

Kanya ring sinabi na sana ay nabigyan siya ng konsiderasyon gayong na-injure siya dahil sa Ateneo player na si Angelo Kouame sa Game 1 ng serye.

“In my head was, ‘Come on, I got injured by your player. The least you can do is let me wear that and play if it’s going to help me play.’ But for him to still say that, whatever. I’ll just take it off and go through no matter what,” dagdag pa nito.

Ngunit sa huli, nakapaglaro pa rin ito at nakapag-ambag pa ng 19 puntos at walong rebounds, ngunit nabigo pa rin kontra sa Ateneo, 99-81, para sa back-to-back titles.

Talo man, masaya pa rin ang Nigerian slot man sa narating ng kanyang koponan.

“We exceeded those expectations. They never thought we were going to make it especially with the way we started the season, but we made it to the Finals, baby! So I say we did great,” pakli pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }