58

Ayala group tumulong sa mga nasalanta sa Mindanao

Iba’t ibang porma ng pagtulong ang ginawa ng mga kompanya ng Ayala group at Ayala Foundation (AFI) para sa mga naapektuhan ng magkasunod na 6.6- at 6.5-magnitude na lindol sa Cotabato sa Mindanao nitong Oktubre 29 at 31, 2019.

“Ayala is coordinating the efforts across all our family of companies to move as one in cooperation with the local government to provide urgent aid for the affected communities in Mindanao,” ani John Philip Orbeta, Chief Human Resource Officer Group Head of Corporate Resources ng Ayala.

Lumilikom ng mga in-kind donation ang Ayala Land (ALI) sa mga Ayala Malls sa mga karatig-lalawigan mula pa Nobyembre 1, at magdo-donate ang lahat ng Ayala Malls ng mga lumang tarpaulin para gawing pansamantalang tirahan ng mga nasalanta.

Naghahanda rin ng relief packs ang Abreeza Mall para sa mga pamilya ng mga apektadong mall personnel.

Pinangunahan ng Globe Telecom ang pamamahagi ng mga pagkain at kumot sa 1,680 displaced na pamilya, at pagpapakain sa 2,000 katao sa dalawang soup kitchen sa tatlong munisipalidad.

Nagtayo rin ng mga Libreng Tawag at Libreng Charging station sa Kidapawan City Hall, Tulunan City Hall at Plantation Residence, Makilala para makakonek ang mga nasalanta sa kanilang kaanak at kaibigan.

Samantala, mamamahagi naman ang Manila Water ng 2,320 five-gallon ng Healthy Family water bottle, na matatanggap ng mga residente sa Kidapawan, Makilala, at Tulunan, North Cotabato; at Magsaysay, Davao del Sur.

Magtatayo rin ito ng isang Mobile Treatment Plant na kanyang mag-convert ng kahit anong klase ng raw water patungong drinking water.

May initial relief operations na ginawa ang Bank of the Philippine Islands (BPI) para sa mga apektado nitong empleyado sa Kidapawan at Digos, gaya ng pansamantalang tirahan, tubig, pagkain, at medical kits.

Ang AC Health’s Generika naman, katuwang ang Ayala Young Leaders Congress Alumni Association in Mindanao, ay mamamahagi rin ng mga gamot at tumutulong sa pangangalap ng donasyon para sa relief efforts sa Tulunan, Makilala at Kidapawan.

As of November 3, 21 katao na ang namatay, 21,810 indibidwal na ang na-displace, at 178,305 katao sa 200 barangay sa Regions 11 at 12 na ang naapektuhan, ayon sa Philippine Disaster Resilience Foundation.

Para sa mga concerned citizen, pwedeng magbigay ng alinman sa mga sumusunod: kumot, tent, sleeping mat, bigas, canned goods, potable water, hygiene products, tarpaulin, kulambo, cooking utensils at equipment, damit, flashlight, atbp.

Pwede rin ang cash donation. Mangyaring mag-deposit sa tinalagang bank account ng AFI na:

Account Name: Ayala Foundation, Inc.
Account No.: 0011-1335-41
Bank: Bank of the Philippine Islands
Branch: Makati Main
Reference No.: G101
Swift Code: BOPIPHMM

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?