6
zarks
By

Ayaay, Lyceum balikwas, Final Four berth sinikwat

Sharing is caring!

Ayaw pang mag-impake ng Zark’s Burger-Lyceum, gumapang mula 11-puntos na pagkakabaon sa fourth quarter para ipagpag ang CEU 82-77 at kumpletuhin ang Final Four cast ng 2018 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena nitong Huwebes.

Pinangunahan ni MJ Ayaay ang balikwas ng Jawbreakers mula 72-61 deficit sa fial 7:27, tinapos ang laro sa ikinasang 21-5 finishing kick.

Sakit ng ulo ng Scorpions sa magkabilang dulo ng court si Ayaay na tumapos ng 15 points, four rebounds, five steals at four blocks. Fouled out kulang 5 minutes pa sa laro ang kamador ng Lyceum na si CJ Perez pero hindi nasiraan ng loob ang players ni Topex Robinson.

“I just reminded them to just enjoy the game and that gave them more freedom to play,” anang Jawbreakers coach.

Nanguna sa Zark’s si Jayvee Marcelino na may 17 points, nagdagdag ng 10 points at seven assists ang kambal niyang si Jaycee. May double-double na 12 points at 16 rebounds si Cameroonian Mike Nzeusseu sa mga taga-Intramuros.

Nalaktawan ang twice-to-beat edge ng CEU sa quarters, haharapin ng Lyceum ang No. 2 Marinerong Pilipino sa best-of-three semifinals umpisa sa Martes.

Kinapos ang 22 points at 16 rebounds ni Rod Ebondo sa CEU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?