17

Sep 8, 2021 @ 12:45
By

Awtoridad pinuri ni Duterte sa tagumpay ng anti-drug ops

Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang ahensiya ng gobyerno sa matagumpay na anti-drug operations sa Zambales at Bataan na nagresulta sa pagkasamsam ng P3.4 bilyong halaga ng shabu.

Sa kanyang Talk to the People, ipinaabot ng pangulo ang pasasalamat sa mga otoridad dahil nailigtas nila ang publiko sa posibleng peligro mula sa epekto ng illegal na droga.

“I would like to extend my highest commendation and my heartfelt gratitude for protecting the country against the destruction of drugs,” anang pangulo.

Nalansag aniya ng mga otoridad ang malaking sindikato na nag-ooperate sa SouthEast Asia na posibleng may koneksyon sa Sinaloa drug cartel ng Mexico.

“Malaking sindikato ito, hindi lang sa Pilipinas. Nag-ooperate ito sa Southeast Asia and may the connection sa Sinaloa sa mga drug syndicates sa Mexico,” dagdag ng pangulo.

Kabilang sa pinapurihan ng Presidente ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Customs (BOC).

Sa naganap na drug bust, apat na Chinese nationals ang napatay ng mga otoridad at isa aniya sa mga ito na kinilalang si Youhua Xu ang pinaka-malaking importer ng shabu sa Pilipinas at miyembro ng transnational drug trafficking organization.

“May namatay ho. Hindi man natin gustong mangyari ito pero medyo armado kasi at lahat nitong bigtime talaga may armas,” wika ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?