1,124
Awtopsiya inilabas na: Christine Silawan, ginahasa!
Apr 2, 2019 @ 18:23
By

Awtopsiya inilabas na: Christine Silawan, ginahasa!

Lumabas sa resulta ng ginawang awtopsiya sa bangkay ni Christine Lee Silawan na bukod sa binalatan ang mukha, tinanggalan ng lamanloob ay hinalay ang 16-anyos na dalaga.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Forensic Team Director Dr. Erwin Erfe, nakitaan ng extensive abrasion at hematoma ang ari ng biktima.

Nadiskubre rin ng forensic team na posibleng sinabuyan ng mga suspek ng asido ang mukha ni Silawan bago ito binalatan dahil sa mga bakas ng sunog na balat sa noo, mata at leeg ng biktima.

Sinakal din umano ito ng lubid dahil sa ligature marks na nakita sa kaliwang pulso at leeg nito.

Naniniwala ang forensic team na tatlo katao ang sangkot sa karumal-dumal na pagpatay kay Silawan.

Natagpuang patay ang Maribago National High School Grade 9 student na si Silawan sa bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal, Lapu-Lapu City noong Marso 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?