795

Apr 18, 2021 @ 15:41
By

Awra ginalaw daw ni Ion? Buknoy lagot kay Vice Ganda

May panibagong iringan sa pagitan nina Awra Briguela at content creator na si Buknoy Glamurrr matapos idamay ng huli ang pangalan nina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa Instagram live ni Gabo, kaibigan ni Buknoy, nag-uusap ang dalawa kung saan nagkunwaring Awra si Buknoy.

Sa nasabing video, sinabi ni Buknoy na pineperahan lang daw ni Ion si Vice Ganda.

Hindi pa nakuntento ang dalawa nang tanungin ni Gabo kay Buknoy na napanggap na si Awra, kung nagalaw na raw ba siya ni Ion.

Sey ni Gabo, “Nagalaw ka na ba ni Ion, Awra?”

Tugon naman ni Buknoy na nagpanggap na Awra, “Oo sa Showtime dressing room, dressing room number 5.”

Ayon naman kay Awra, alam na ni Vice Ganda ang mga ginawang paratang ni Buknoy laban sa komedyante at inilapit na ito sa kanyang abogado.

“Nag-reply na si Meme. Ang sabi niya lang sa’kin, ‘I will talk to my lawyers about this. Relax ka lang diyan, chill ka lang’,” ayon kay Awra.

Ayaw na rin patulan ni Awra si Buknoy.

“It’s 2021, we need to wake up, we need to grow,” saad ni Awra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?