80

Jun 23, 2022 @ 15:52
By

Awra Briguela nadukutan ng iPhone, handang magbigay ng reward

Nakiusap si Awra Briguela sa kumuha sa iPhone niya na handa siyang magbigay ng cash maibalik lamang ito.

Nangyari raw ito nang manood siya nang live ng UAAP women’s volleyball.

Aniya, sinamantala ng kumuha ng cellphone niya na maraming nagpapa-picture sa kanya.

Dagdag niya, hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma-lock na ito.

Importante umano kasi ang laman ng kanyang cellphone.

Narito ang series of tweet niya:

“Again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kase hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo. yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. sobrang dami lang important files sa phone.

“Pag na lock yan sa apple hindi na talaga magagamit yan kahit kailan kaya mas mabuti pang ibalik nalang.

“Grabe ang modus nila sobrang daming nag papapicture tapos pag nag kakagulo na galaw na ang mga kupal mag nakaw.”

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?