AWOL na pulis na nakababalik lang sa serbisyo, tiklo sa droga

Sharing is caring!

Kababalik pa lang sa serbisyo ng isang pulis- Quezon City matapos mag-AWOL (absent without leave) subalit sa kulungan ang bagsak nito matapos mahuli sa aktong gumagamit diumano ng shabu kasama ang isa pa sa Caloocan Linggo ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na sina PO1 Ramil Daludado na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Public Safety Battalion.

Arestado din ang kasama nitong Teodoro Borneo, residente ng 5th Avenue, Barangay 21 ng nasabi ring lungsod.

Nadakip ng mga suspek matapos makatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa nagagangap ang shabu session sa bahay ni Borneo

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at naaktuhan nga ang dalawa na salitang naghihithit ng shabu.

Narekober sa pangangalaga ng dalawa ang isang sachet ng bukas nang shabu, disposable lighter, alluminum foil at isang cellular phone.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang pulis at kaibigan nito na nakakulong ngayon sa Caloocan police jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?