0
views

By

AWOL na pulis, 11 pa huli sa anti-drug ops sa Navotas

Sharing is caring!

Nagkasa ng operasyon kontra iligal na droga ang Northern Police District sa Market 3, Barangay NBBN, Navotas City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa report, target lang ng operasyon ang mag-inang Melenia at Romeo Santiago at maging ang umano’y runner na si Mark Jay-R Ramirez pero bumungad sa mga pulis ang siyam na bumabatak kabilang na si Police Officer 2 Michael Del Monte.

Itinanggi ni Del Monte na nagbebenta siya ng iligal na droga pero aminado siyang gumagamit nito.

Dating nakatalaga si Del Monte sa Police Community Precinct (PCP) 4 ng Caloocan Police pero mag-iisang buwan na umano siyang AWOL dahil sa problema sa pamilya.

Nakumpiska sa AWOL na pulis ang service firearm niya na bitbit sa bahay na ginagawa umanong drug den.

Nakuha sa mga suspek ang 20 sachet ng umano’y shabu na nasa 40 gramo ang timbang.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang may dagdag na kasong administratibo laban sa pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?