1,498

By

‘Awit may lawit’ song nag-comeback, Viva Records kinuyog

Muling pinabubura na ng mga netizen ang kantang “Awit” ni rapper Young Vito na nilabas ng Viva Records at tungkol sa “transphobia,” ang diskriminasyon sa mga transgender.

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan, Disyembre 2019, humingi ng tawad ang Pinoy rapper, Erich Bongon in real life, sa mga na-offend sa lyrics ng kanyang kanta.


“Ang ganda niya pero parang may mali. Noong dumikit meron akong napansin, napakalupit, awit may lawit,” parte ng lyrics ng rap ni Bongon.

Ngayong lumitaw itong muli sa YouTube at Spotify sa pamamagitan ng Viva Records, Enero 2020, kinuyog ito ng publiko at sinabing hindi dapat pinakakalat ng music label ang ganitong klase ng kanta.

“mga wala kayong respeto. this is TRASH,” ani M M.

“KADIRI! TASTELESS. KAJEJEHAN. DI NIYO KINA-COOL PAGKA TRANSPHOBIC NIYO ULOL,” bulalas ni Christian Palmes.

“Katarantaduhan. Kadiri. Talagang nirecord nyo pa to ha? Vocals and lyrics are both trash. Ew. Deserves to be boycotted,” hayag ni Jm Limoso.

“Nakakadiri kayo viva. Youre so low to record this. Wala ng choice? Naghihirap na ba kayo? This is bullying, putting shame, and evrery nevagtive thing to our trans sisters. This is so low,” wika naman ni riri Mab.

Binalikan din nila ang tweet ni Vito tungkol sa pagpasok nito sa Viva Records.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?