98

Dec 17, 2017 @ 14:19
By

Away sa pila ng 2 trike driver nauwi sa pananaksak

Nauwi sa pananaksak ang away ng dalawang tricycle driver sa Tondo, Manila.

Batay sa sport report ni Police Community Precinct 7 Station Commander Rolando Gonzales ng Jose Abad Santos PCP ang biktima na si Gilberto Canoza, 40 anyos.

Nabatid na nasa pilihan ng tricycle ang biktima pati na ang suspek na nakilalang si Edmund Sablaon na isa ring tricycle driver nang biglang may nagtawag na pasahero sa biktima para magpahatid sa kanyang destinasyon na pinaunlakan naman ni Canoza.

Dahil dito nagalit umano ang suspek na si Sablaon sa biktima dahil siya ang nauna sa pila at may patakaran sila na kung sino ang nauna sa pila ay siyang unang magsasakay ng pasahero.

Nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo sa pagitan nang dala hanggang sa nauna sa suntukan at pagbunot ng patalim ng suspek at inundayan ng saksak ang biktima na si Canoza.

Tama sa kanyang tagiliran ang tinamo ng biktima habang nagtamo naman ng sugat sa kanyang ulo ang suspek.

Kasalukuyan nang nagpapagaling sa Jose Reyes Hospital ang biktima at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa nanaksak na suspek. Rick Villanueva

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?