107

May 11, 2019 @ 12:43
By

Away politika lumalala, dagdag pulis inilatag sa Davao

Naglatag ng karagdagang pulis ang Police Regional Office (PRO) dahil sa lumalalang away politika sa mga hotspot areas sa Davao del Norte at Davao del Sur.

Ayon kay Deputy Regional Director for Operations Police Colonel Eden Ugale, layunin nito na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga residente at matiyak na walang magaganap na ano pa mang kaguluhan bago at matapos ang eleksyon.

Dagdag pa nito ang mga isyu ng political rivalry sa dalawang lugar ng Davao ang ikinababahala ng kapulisan.

“I was tapped to lead the contingent and I had my initial coordination with the provincial director para ma-plan out ang deployment ng additional pwersa ng kapulisan (to plan out the deployment of additional police),” Ugale said.

Matatandaang isang pamamaril ang naganap sa Davao del Norte kung saan binaril ang kapatid ni incumbent Mayor Rhodora “Doray” Alcoran ng New Corella habang nangangampanya sa Purok 4, Barangay Poblacion, New Corella, Davao Del Norte.

“Isa ito sa tinitignan natin ngayon, kaya naman agad na nag-utos ang pamunuan ng regional director na magdagdag ng puwersa ng kapulisan sa Davao del Norte para lubos na matutukan ang anumang kaguluhan sa Davao, ” ayon pa kay Ugale.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa mga.nagaganap na election related crimes sa Davao Del Norte at Davao Del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?