229

Nov 8, 2020 @ 18:48
By

Away ni-live sa FB! Kapatid ni Pia ineskandalo asawa

Matapos banatan ang kapatid, ang asawa naman ni Sarah Wurtzbach ang kanyang kinaladkad sa social media.

Sa Facebook Live ni Sarah, maririnig na pinagsisigawan niya ang kanyang mister na si Charlie, na isang foreigner.

Base sa bangayan ng dalawa, may episode daw si Sarah ng kanyang post traumatic stress disorder (PTSD) at aniya’y pinababayaan lamang umano siya ni Charlie.

Humagulgol si Sarah sa kanilang anak na limang taong gulang, kung saan pumagitna pa ang kanilang tsikiting sa bangayan nila.

Pinakita din ni Sarah na tinanggal ng kanyang mister ang kanilang wedding ring.

Matatandaan na dati nang inaway ni Sarah ang kanyang nakatatandang kapatid na si Pia Wurtzbach sa Instagram, kung saan sinabi niyang mabaho ang ugali ng kapatid ng 2015 Miss Universe titlist.

https://www.facebook.com/sarahalonzowurtzbach/videos/10157207193851090
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?