248
knife
Nov 5, 2017 @ 12:53

Away ng mag-ama nauwi sa saksakan

Agaw buhay sa isang ospital ang isang 37 anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang nakababatang kapatid nang umawat ito sa away ng huli at ng kanyang ama sa Malabon Sabado ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Rockymar Binayug ng Malabon City Police -Homicide Unit ay ganap umanong alas 9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng ama ng magkapatid na sina Reymund Aquino, 37 anyos at Rey Aquino, 25 anyos sa C4 Road na sakop ng Barangay Tanong.

Bago ang insidente, pinagalitan ng kanilang ama si Rey dahil madalas nitong pag-iinom hanggang sa mauwi sa sigawan.

Malapit nang magpangbuno ang mag-ama kayat namagitan na si Reymond sa dalawa.

Subalit nainis si Rey sa kanyang kuya sa pakikiaalam nito hanggang sa kumuha siya ng kutsilyo at biglang sinasak sa tiyan ang kanyang nakakatandang kapatid.

Nang bumulagta ang kanya agad na tumakas ang suspek. Isinugod naman sa Tondo Medical Center si Raymond na nagtamo ng malalim na saksak sa kanyang tiyan. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?