senado

Awat na sa pagpapadala ng Pinay kasambahay sa Kuwait – Koko

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa Malakanyang na alisin na ang ban sa pagpapadala ng mga manggawa kapag napirmahan na ng Pilipinas at Kuwait ang memorandum of understanding para sa kapakanan ng mga OFW.

Pero sa pagkakataong ito, higpitan na umano dapat ang pagpapadala ng mga Filipinong kasambahay o household service workers (HSWs).

Giit ni Pimentel, makabubuting isaprayoridad ang pagpapadala ng mga skilled workers at professionals sa Kuwait.

“But maybe this time we should not prioritize the sending of HSWs anymore. Send engineers, foremen, welders, etc instead of HSWs,” pahayag ni Pimentel.

Sinabi ito sa gitna ng pag-antabay ngayon sa paglagda ng dalawang bansa sa kasunduan na inaasahang titiyak na protektado ang karapatan ng may 270,000 mga Filipinong manggawa sa Kuwait, karamihan ay household service worker.

Isinulong ang ganitong kasunduan dahil marami ang Filipinong kasambahay sa Kuwait ang minaltrato, inabuso, pinatay at nagpatiwakal.

Ayon sa Pimentel, masusubok kung maganda para sa bansa ang memorandum of understanding kapag nakapagpadala nang muli ng OFWs sa Kuwait.

“Signing of agreement is very good development. We should rethink the ban once the agreement is signed and all the details are in place. The only way to test if the agreement is good is for us to test it by sending our ofws again to Kuwait,” sabi ni Pimentel. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?