24

Oct 8, 2017 @ 14:33

Awat muna sa passport fee hike – Poe

Itinutulak ni Senadora Grace Poe ang pagsama ng “anti-passport price increase” provision sa 2018 budget ng Department of Foreign Affairs (DFA)

Layunin umano na pigialn ang anumang pagtaas sa bayad sa pagkuha ng naturang travel document kahit na ang validity nito ay papalawigin ng 10 taon alinsunod sa nakasaad sa bagong batas.

“We can add one line which stipulates that the allocation is subject to the condition that the amount DFA will charge for a 10-year passport will not be increased and will remain the same as the fee for the current five-year passport,” paliwanag ni Poe.

Paliwanag ng senadora, kanyang itutulak ang pag-amyenda sa panuka;lang P19.56 bilyong DFA budget para sa 2018 sa oras na pagdebatehan na ito sa Senado.

Ang probisyon, ayon kay Poe, ay maaring ipataw sa kondisyon ng paglalaan ng P3.1 bilyon para sa pagbili ng passport booklets sa susunod na taon.

“If the number of pages will remain, then there is no reason to jack up the price,,” diin ni Poe.

Nagpapataw ang DFA ng P950 sa regular processing o passport delivery ng passport sa 15 working days  at P1,200 naman sa express processing sa loob ng pitong araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?