49

Feb 26, 2020 @ 18:29
By

Avisado bagay bilang DBM secretary – Tolentino

Si dating Davao City administrator Wendel Avisado ang “right for the job” para pamunuan ang Department of Budget and Management (DBM).

Sa sponsorship speech ni Senador Francis Tolentino sa kumpirmasyon ng appointment ni Avisado sa Commission on Appointments (CA), sinabi nitong si Avisado ang “best secretary” para magpatakbo pangunahing ahensiya ng gobyerno tulad ng DBM.

“Should we decide to appoint this man today, I believe that the Department can soar even higher and come even closer to fulfilling its mission of leading public expenditure management to ensure the equitable, prudent, transparent and accountable allocation and use of public funds to improve the quality of life of each every Filipino,” sabi ni Tolentino.

Inilarawan ng senador si Avisado na isang ‘self-made’ man na kasabila ng kahirapan ay nagsumikap para marating ang kinalalagyan niya ngayon.

“Despite such circumstance, he graduated cum laude from his Degree of Bachelor of Laws in Ateneo de Davao University in 1978,” sabi ni Tolentino kasabay si Avisado ay isang halimbawa na may angking kasipagan at pagtitiyaga sa buhay.

Kapuri-puri din aniya ang work ethic ni Avisado bilang ad interim DBM Secretary dahil hindi tinutulugan ang mga nakabinbing mga dokumento sa kanyang mesa at laging handa sa tuwing dadalo sa mga cabinet meeting.

“He is the first-ever DBM secretary to submit detailed reports during every Cabinet meeting, showing appropriation, allocation, disbursement and balances of each department to allow them to evaluate their performances and improve,” ayon pa kay Tolentino.

Si Avisado ay tatlong beses nang tumanggap ng Freedom of Information Awards at kinilala bilang isa sa mga top performing agency sa panahon ng pagiging ad interim DBM Secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?