12

Aug 17, 2020 @ 14:46
By

Avigan trial sa ‘Pinas simula na

Arangkada na nitong Lunes ang pagsubok sa Japanese anti-flu drug Avigan sa mga pasyenteng may COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang tagapangasiwa ng mga trial ang nagsabi sa kanila na sinimulan ang proyekto ng August 17.

Siyam na buwan umano tatakbo ang mga trial.

Susubukan ang gamot na Avigan sa 100 pasyente sa Pilipinas.

Kamakailan natanggap ng bansa ang may 199,000 tablet ng Avigan mula sa Japan.

Unang isasagawa ang mga trial sa Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

“We will start with these four hospitals, but of course mag-e-expand pa ‘yang list of hospitals na ‘yan for us to be able to have these 100 patients na sinabi na allocated na drugs coming from the Japanese government,” wika ni Vergeire sa virtual press briefing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: