108

By

Avengers pinatay ang mga pelikulang Pinoy

Sharing is caring!

Pero kung noong kasagsagan ng movies ay hindi lang pagtili sa kanilang mga idolo.

Tinatangkilik nilang talaga ang kada pelikulang bida ang mga idolo. Subalit nu’ng unti-unti nang lumakas ang telebisyon at madali nang makita at makausap ng mga fan ang kanilang idolo, hanggang tili at sigaw na lang ang nagagawa nila at hindi na nagbabayad sa sinehan para panoorin ang pelikulang handog ng mga artista.

Kaya sa ngayon, bihira na talaga ang artistang matatawag na movie star. TV star na lang ang tawag sa mga baguhang artista ngayon dahil sikat man sila sa TV, bokya naman ang resulta sa takilya kapag may pelikula silang ginawa.

Eh, libre nang napapanood sa TV ang mgaa artista, bakit nga naman gagastos pa sila para magbayad sa mga sinehan?

So huwag lang puro tili at social media ang mga fan ng sikat na artista. Tangkilikin din nila ang kada local movie na ipinalalabas sa sinehan nang sa gayon eh, hindi tuluyang mamatay ang movie industry at hindi maulit ‘yung tanging ang foreign film na Avengers: Infinity War ang palabas sa lahat ng sinehan, huh!

May balita nga kami na may mga local movies na na-pull out sa mga sinehan dahil sa Avengers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?