88

By

AVC: Valdez, Pilipinas kinapos kontra Iran

Sharing is caring!

Isang nakapanghihinayang na talo nanaman ang naranasan ng Pilipinas sa ginaganap na 2018 Asian Women’s Volleyball Cup sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Pinadapa ng Iran ang Pilipinas, 27-29, 25-16, 17-25, 25-12, 13-12, nitong Setyembre 17.

Naitabla ng Pilipinas ang laban sa fifth set, 13-13, ngunit dalawang magkasunod na regalo ang ibinigay nila kay Borhani Esfhani kaya naman naiuwi ng Iran ang quarterfinals berth.

Nanguna si Valdez na gumawa ng 24 puntos samantalang nagdagdag naman si Paat ng 10.

Natalo rin ang Pilipinas sa isang five-set match kontra Australia, 25-21, 25-21, 24-26, 16-25, 10-15.

Sunod na makalalaban ng Pilipinas ang Kazakhstan upang tapusin ang pool round ng kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?